Rei Tan, sinagot kung bakit napili si Sylvia bilang endorser

by Mildred Amistad Bacud

Nagsimula bilang DJ sa FM Station si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, ngayon siya na ang Chief Executive/owner ng BeauteDerm.

Mas feel naman daw ni Rei ang mundo niya ngayon dahil mahilig siya sa pagpapaganda at gusto niya itong i-share sa iba. Kamakailan nga lang ay nilunsad nila ang kauna-unahang endorsement ni Ms. Sylvia Sanchez via the new face of BeauteDerm. Kung bakit ang aktres ang kinuha nila sa dami ng mas mga batang endorser, sey niya,

“Kahit po marami tayong kaibigang celebrities, siyempre, isa po akong tagahanga ng isang Sylvia Sanchez, doon po tayo mag-umpisa. Dati rin po akong taga-media, nakita ko po siya at napakatagal na niyang artista, napaka-versatile po niya, mapa-bida o kontrabida ay kayang-kaya po niya tapos.”

Wala nga raw hilig sa panonood ng teleserye si Rei pero napatutok sya sa katatapos lamang na serye ni Sylvia, ang “ The Greatest Love,” dito daw ay lalu siyang napahanga. Hanggang sa magkaroon siya ng pagkakataong mas makilala ito ng personal dahil ang manager ni Rei na si Shyr Valdez ay bestfriend ni Sylvia. Mas lumalim pa raw ang paghanga niya rito. Kaya naman hindi na nagdalawang isip si Rei na kunin ang aktres dahil at 46, ay nananatili itong maganda at blooming.

(published at Police Files Tabloid June 2 and June 7,2017 by MB)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s