Jemina Sy, gusto ng mag-focus sa showbiz

by Mildred Amistad Bacud

Hindi na bago sa larangan ng pag-arte si Atty. Jemina Sy. Lumabas na rin siya sa ilang episodes ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya, pero maliliit na roles lamang. Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataong mag-produce at umarte sa pelikulang “Bubog,” ay di na niya ito pinakawalan.

” Sinabi ko na sa father ko no’n na gusto kong umarte, mag-artista pero parang wala siyang naririnig.Ayaw niya ‘kong payagan.”

Para hindi sila mag-away sinunod na lamang daw niya ang kagustuhan ng ama at pinagpatuloy ang pagkuha ng abogasya. Natapos naman niya ito at Lawyer na sya by profession.

” Ngayon it’s about time naman na gawin ko naman yung gusto kong gawin, ang umarte. I’m 36, may edad na but not too late I guess. Bakit naman si Richard Yap late na rin nung pumasok sa showbiz.”

Challenging daw ang role ni Jemina kung saan ginagampanan niya ang papel bilang si Liezel na tulak ng droga. Written, and directed by veteran journalist and filmmaker Arlyn Dela Cruz. 

Kung paano napasama si Jemina sa nasabing pelikula kwento niya, “I feel I owe it to myself and try, what it really likes to be there, part of a scene, part of a story and so I auditioned and argued my way to be part of the film.”

Kasama rin sa nasabing pelikula ni Jemina sina Ms. Elizabeth Oropesa, Julio Diaz , Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto , Carl Medina, Janice Jurado at iba pa. 

Kung mabibigyan naman daw ng pagkakataon, gusto raw makatrabaho ni Jemina si Coco.

“Pwede pa naman siguro kasi hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Mahusay siyang aktor at gusto kong ma-experience to work with the Primetime King.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s