Vice,di natinag ni Kris

Marami ang nag-abang sa pagsasalpukan sa halos na sabay na timeslot ng GGV ni Vice Ganda at Trip Ni Kris Aquino last April 9. Kahit naman marami ang nasabik na mapanood ang Queen Of All Media via SNBO at nagtrending pa nga sa Twitter ang kanyang travel show, hindi pa rin natinag ang isang Vice Ganda.

Sa AGB Nielsen nagtala lamang ng 3.7 ang Trip Ni Kris samantalang ang Gandang Gabi Vice ay nakapagrehistro ng 4.2.

Sa Kantar Media nakapagtala ng GGV ng 17.1 household rating kumpara sa  “Trip Ni Kris’s” 6.1% and in Rural Philippines, “Gandang Gabi Vice” hit 9.1% while “Trip Ni Kris” only got 3.1%.

Samantala sa Mega Manila, “Gandang Gabi Vice” 18.9% vs “Trip Ni Kris’s” 8.4% at  32.7%  “Gandang Gabi Vice” vs.7.6% of “Trip Ni Kris” sa Metro Manila.

Overall, ang “Gandang Gabi Vice” kung saan ang mga guests niya ay ang  ‘Tawag Ng Tanghalan’ contestants na sina Noven,Sam at Froilan ay nakakuha ng  13.3% habang ang “Sunday Night Box Office ‘Trip Ni Kris’ featured popular spots in Nueva Ecija ay nakakuha lamang ng 4.7%.

(Mildred A. Bacud)