by Mildred A. Bacud
Habang tanggap na ni Angel Locsin ang pagkawala ng role sa kanya bilang Darna, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ito matanggap ng ibang fans niya. May mga panawagan pa nga ang ilan sa kanila sa social media na mag-rally para kalampagin ang Star Cinema. Hindi raw sila naniniwalang maysakit ang kanilang idolo. Palabas lamang daw ito dahil ayaw ng ibigay sa kanya ang Darna.

Nauna ng nagpahayag ang Star Cinema at ang direktor nito na si Erik Matti na imposible ng mapunta sa aktres ang nasabing role dahil sa health issue. Last year ay sumailalim sa series of surgery and therapy si Angel dahil sa disc bulge.

Hindi naman daw dapat malungkot ang mga fans ng aktres dahil may mga naka-line up namang proyekto para sa kanya ang Kapamilya network kabilang na ang special appearance niya sa upcoming teleserye ng Kathniel(Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), ang La Luna Sangre at pelikula kasama sina James Reid at Coco Martin.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s