Nelson Hui,   bagong Spokesperson ng Phil.Youth

After Rico Yan, Onemig Bondoc and Dingdong Dantes, nagpapasalamat si Nelson Hui sa pagkakatalaga sa kanya bilang spokesperson ng Philippine Youth.  Produkto si Nelson ng Mr. Phil. Youth International kung saan siya ang nagkamit ng title. Sa 100 na candidates, ang estudyante ng St. Benilde La Salle ang pinalad. Ayon sa Board Member ng Quezon na siyang namamahala sa Phil Youth Intl. na si Gerard Ortiz, iikot sa iba’t-ibang panig ng bansa si Nelson para i-promote ang tourism.

(Mildred Bacud/Any Comment-PF)

Angel, tanggap na ang pagkawala ng role bilang Darna

Angel, tanggap na ang pagkawala ng role bilang Darna

by Mildred A. Bacud
Habang tanggap na ni Angel Locsin ang pagkawala ng role sa kanya bilang Darna, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ito matanggap ng ibang fans niya. May mga panawagan pa nga ang ilan sa kanila sa social media na mag-rally para kalampagin ang Star Cinema. Hindi raw sila naniniwalang maysakit ang kanilang idolo. Palabas lamang daw ito dahil ayaw ng ibigay sa kanya ang Darna.

Nauna ng nagpahayag ang Star Cinema at ang direktor nito na si Erik Matti na imposible ng mapunta sa aktres ang nasabing role dahil sa health issue. Last year ay sumailalim sa series of surgery and therapy si Angel dahil sa disc bulge.

Hindi naman daw dapat malungkot ang mga fans ng aktres dahil may mga naka-line up namang proyekto para sa kanya ang Kapamilya network kabilang na ang special appearance niya sa upcoming teleserye ng Kathniel(Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), ang La Luna Sangre at pelikula kasama sina James Reid at Coco Martin.